Thursday, December 20, 2012

Marian Pages Feature

So. Bakasyon na. Wala akong magawa. Ipopost ko na lang yung mga balak kong ilagay sa school organ namin :D

Ang Dalampasigan

Sa tuwing naglalakad tayo sa dalampasigan, mayroong mga markang naiiwanan ang ating mga paa. Tulad din nito ang mga taong minsan nang naging bahagi ng ating buhay. Tayo ang buhangin, at sila ang mga markang naiwan dito. Ang dagat, maging ang alon ay ang mga pagsubok na maaring makapagpabago sa isang samahan.

Sa buhay natin, mayroon tayong mga makikilala, magiging kaibigan, at nagiging sobrang malapit tayo sa kanila. Pero hindi mo ba napansin na isa lamang ang kahahantungan nilang lahat? Wakas. Sa bawat simula, may nagbabadyang wakas. Mayroong mga iniiwan, nagpapaiwan at nangiiwan. Kung hindi nangiiwan, nakakalimot. Masaklap ba? Iyan kasi ang batas ng buhay.

Sa edad natin, tila nag-aasal bata pa rin tayo. Mga batang binigyan ng candy, at habang ninanamnam mo ang tamis at sarap nito, saka pa nalaglag mula sa bibig mo. Hindi na natin ito maibabalik, kahit sabihin pa na 'wala pang 5 seconds'. Hindi na pwede, dahil madumi na. Malala pa kapag nawasak at nadurog na.

Napakahirap mawalan ng kaibigan, lalo na't malaking parte ng buhay natin ang kanilang sinakop. Marami rin silang alaala at ilang mga bagay na nagawa at naibahagi sa atin.

Marami pa tayong makikilala, marami pang papasok sa buhay natin na 'di kailanman ay aalis din naman. Pero sa buhay na ito, kailangan na nating masanay at sakyan ang trip ng tadhana para hindi tayo mapagiwanan. Kailangan na lang natin na maghintay sa alon ng dagat na bubura sa malungkot na nakaraan, at maghanda sa mga panibagong yapak ng mga taong mag-iiwan ng marka sa ating buhay.

RATE MY ARTICLE, 1-10, 10 as the highest. :)

No comments:

Post a Comment