Well, napicture to nung teacher's day. Takte tuwang tuwa si Mother (Mam Nicolas) kasi naman may cupcakes, cake at flowers, may kumanta pa! Tiba-tiba siya sa amin. LOL Siyempre na touch din kami sa sinabi niya. Kasi kahit makulet kami, at binibigyan namin siya ng kunsumisyon, ginagawa naman namin ang lahat para sumaya siya.
Fieldtrip :) Team building activity din. Sa Paradise Resort yan, with the third year and fourth year. Kahit nung bandang uwian, medyo naging KJ na. Pero masaya, sa una. Never ko makakalimutan ang nangyari na yun, pero all in good terms na naman ang lahat. Pinilit na lang kalimutan. LOL
Masaya ang salubong ng Thirdyear sa akin. Sana beyond, at sana, hindi epic fail ang class picture :D
MATH JINGLE. The most epic moment of all time in history and vocabulary. Nakakaewan lang. Hindi din kami nanalo siyan. AT. Ang epic niya talaga. Hay naku. =))
Yiee magrarappel yung dalawa |
Naiintindihan ko naman sila mag-lesson, hindi katulad ng ehem ehem. Blind item na lang!
Lalalalaalalala :) |
Ms. Cueto, bike bike din |
Mary Grace M. Cueto. Iba ang teaching style niya kay Sir Darwin. Mas malinaw siyang magturo. Pero si Sir Darwin kasi puro terminologies siya eh. Si Mam more on music and arts. Magaling siya. Saka para lang namin siyang BFF at kau-kausap. Meganon. Sensya na solo pic siya ha, wala kc siyang kasamang ibang teacher eh.
Ms. Abiera during Math Culminating |
Mam Nesly. Hahahaa mas magaling pa rin si Mam Jovelie compared sa kanya, pero iba siya mag-mingle sa mga estudyante. Mabait, check. Maganda, circle? XD Check! Maalaga, check! Masunurin, check. =))
As a teacher, I find her subject as is. Simple, straight at wala na. Boring yung subject, pero she make it a point na maging masaya, kahit minsan, walang nakikinig sa kanya.
Ms. Cunignig in La Union |
Hindi ko marotate si Mam! XD Ms. Cunignig, ang pinakacute na teacher sa lahat. Hindi ko alam basta ang ganda ganda niya. Magaling pa siya makipagusap. Alam mo yung parang estudyante siya na nakikirelate sa amin. Idol :)
Mrs. Erin sa Grad ball |
Siya din yung naging coach ko nung Bulprisa, idol ko siya sa pagsasalita. I dunno ang lalim niya mag-tagalog. Mas deep kay Mamits. Sa kasamaang palad, mag-BFF ang worst teacher ko at ang inaadmire kong teacher. But at least, iba siya.
Mem. First she gave up smoking, then she gave up gin and bla blah blah! :)
Ms. Atadero, siya yung teacher na bully. Hahahaha. Magaling siya magenglish, ang lawak ng bokabularyo, mapa english-filipino kaya niya. Para siyang walking Google translate. Mabait siya, pero moody. Ayaw na ayaw niyang binabadtrip siya.
At sa huli, nais ko silang sumpain dahil sa kabutihang idinulot nila sa buhay ko. (Chos, namumutla na sila, matatop na ko nito sa kasipsipan! LOL) Oh well ,the end of my arti-blog and it was hesitant to type all of you.
BENIGNITY! WHAT IS YOUR PROFESSION? AWOO AWOO! ♥♥♥