Tuesday, October 30, 2012

Friday, October 26, 2012

Utos ng Hari

ni Jun Cruz Reyes
“SEE YOU in my cubicle after lunch.” Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kanginang matapos ang klase. Si Mrs. Moral Character ang teacher namin sa Social Science. Siya rin ang adviser namin.
Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Nawawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para ipakita kung gaano ako ‘katanga’ at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga “5.” Isinunod niya ang mga absences ko tapos, ang aking mga lates. Hindi naman maikatwirang “Paano ako di masisingko, kung kailan ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag-recite, saka namimilit. Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin kakapain na ‘yung pulang ballpen.
Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kangina. Katunaya’y yung paborito niyang paksa ang pinagusapan namin. ‘Yung kanyang dazzling Malaysian at ang kanyang paboritong pabango. Nag-tsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya tumandang binata, dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. Si Miss Kuwan daw, kaya wala sa eskuwelahan, hindi dahil nag-study leave, kundi nagpa-abort sa Amerika. Magbi-bell na nang maalala niya ang leksiyon namin, ang normalization process sa gobyerno.
Sabi niya kangina, “Para tayo maging fully democratic kailangan mataas ang literacy rate.” (Sinabi na yon ni Rizal.) “May sapat na communication system ang pamahalaan at may mataas na moralidad ang mamamayan. At hgit sa lahat, kailangan hindi tayo magiging westernized ang ating pamantayan. By so doing, hindi tayo magiging uncivilized sa western standards.”
Nang tanungin niya ako, sabi ko’y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa problema. Halimbawa’y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero kung maraming dissatisfied, natural na abnormal ang sistema. Hindi basta effective communication process, hindi rin basta mataas na literacy rate. Mga manipestasyon lang ito ng talagang problema. Nabigla siya. Doon na kami inabutan ng bell.
Ay kunsumisyon sa buhay gusto akong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa kasalakuyan. Pag nasa bahay ako. ako ang bida. ‘Pag ang mga kababayan ko ang magkukuwento, ako ang sikat. Pero dito sa eskuwelahan, walang isko-scholar ng bayan.
Talagang gusto ko nang huminto, pero ayaw ni Tatay. Kung sa bagay sino bang ama ang matutuwang magka-anak ng drop-out? Talagang sawa na akong nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na kasama nila sa bawat hakbang. Ipaling kung saang sulok gustong dalhin, ikaliwa kahit kanan ang gustong puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gustong mamahinga. At isipa kahit ako ang masaktan.
Ay buhay estudyante, Maka-uno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra ka sa kanila, singkong maliwanag. Tumangutango ka naman para maka-uno, ibig sabihin noo’n sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Konting kompromiso, konting tango at “yes ma’am” lang. Dos na ‘yon o tres. Kung bakit naman kasi nauso pa sa mundo ang diploma. Kung wala akong diploma, sino naman ang maniniwalang may kinabukasan nga ako. Sana’y hindi nauso ang grade, di sana’y hindi ako mahihiyang pumasok kahit Metro Manila Aide. Kung graduate naman ako’t hingan ng experience sa pag-aaplayan ko, dedo pa rin. At kung tapos nga, nakakahiya namang pati trabahong pangmahirap ay pagtiyagaan ko.
Grade lang naman, problema ba yon? Uno kung uno. Singko kung singko, tapos ang usapan, bakit kailangan pahabain pa? Bagsak kung bagsak. Kick-out kung Kick-out. Pero hindi naman talaga ako dapat bumagsak. O.k. matigas daw ang ulo ko, rugged at medyo bastos pa raw pero bakit kailangan isali pati conduct at ayos ng katawan sa usapan? Hindi naman ito military school, hindi rin naman seminaryo; bakit panay “Yung conduct mo” at “appearance” ang panakot nila
Ano ba ang masama nang bumagsak? Kung si Recto, bar flunker pero isa sa kinikilalang constitutionalist ngayon. Si Einstein, bumagsak sa Physics at grammar school pero bigtime scientist. Kahit teacher niya noon hindi alam ang theory niya ng relativity. Kung sa bagay, hindi naman ako si Recto o si Einstein. Si Jojo lang ako, ang walang sinabi kung teachers ko ang tatanungin. Sa pamilya marunong daw ako lalo’t si Tatay ang tatanungin. Sa mga kapitbahay namin, pambihira daw ako, biro mong sa probinisiya namin ay ako lang ang nakarating ng Maynila para mag-aral ng libre. Kung malalaman lang nila.
Aral nang aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. Hindi ko naman maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. Hindi na naubusanng ipari-research. Walang alam itanong kung hindi “what is our lesson today?” Parang mga diyos na sila lamang ang may monopoliya ng tama. Kaya hindi pwedeng tanungin at lalong hindi pwedeng pagsabihan ng mali.
Ay, mga teacher sa mundo, bakit ba ginawa pa ng kung sinong hayupak. Tulad ni Mrs. Moral Character, bago magumpisa ng leksiyon, magsesermon muna ng virtue of honesty, kesyo masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskuwelang nakalimutan ang sagot dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. Lahat na yata ng masama at bawal sa mundo ay alam. Pero ang kaniyang lihim ay nabuko na namin. Noon daw nakaraan referendum ang teacher naming morally upright ay biglang nabulag at nabobo. Nang mag-watcher daw ito sa presinto, tatlong letra lang ang kabisadong basahin, katwiran daw nito’y “Anong sama doon, kahit matalo, panalo pa rin. Bakit me magagawa ka ba? “Kaya naman ngayon hindi na siya si Mrs. Moral Character sa amin, Mrs. Eraser na lang.
Tapos magtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo.
E sino naman kaya sa kanila ang pwedeng gawing idolo?
‘Yung teacher ko sa English, walang pakialam sa mundo. Basta magamit lang niya ‘yung nalalaman niya sa voice and diction, maligaya na siya sa buhay. Basta kami ang papel lang namin, tagapakinig sa kanyang asides. Para tuloy Kaming pang therapy lang niya. At ang kanyang paboritong paksa, yung kanyang nuno na purong kastila raw na nagpapatayo ng simbahan sa kanilang bayan. Antique s’yempre ‘yung simbahan (tulad niya at ng kanyang lolo). Ibig lang niyang palabasing may dugo siyang bughaw. Sarap sanang bukuhin na ang mga kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero at kriminal sa Espanya. Kesa nga naman maging problema sila ng gobyerno nila, di Pilipinas na ang bahalang magtiis ng konsumisyon. ‘Yung ganong sistema ang namana niya sa kanyang lolo, ang mangunsumi ng mapagtiis. Yun namang teacher namin sa Math iba ang gimmick, ‘pag nabuko mong hindi naghanda sa lesson namin lagot ka na. Pagsasabihan ka nito ng “What? Iyon lang hindi mo pa alam hanggang ngayon? O.k. that’s your assignment for tomorrow.” Saka niya sasabayan ng bura ang maling nakasulat sa blackboard.
Kunsumihin ka ba naman araw-araw, pag naging gago ka nagtataka pa. Hindi ka na nga pwedeng magwala, hindi ka pa rin pwedeng maglibang. Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntuhan ng sama ng loob, ayun at “Sinabi ko ng nga bang masama sa pag-aaral ang bisyo,” ang agad ikakatuwiran ng mga ito.
Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at nikotina. Para na ring sinabing, pag teacher ka na ay pwede na. Dahil estudyante ka pa lang, tiis. Itanong mo kay Mr. Discipline at alam na alam niya ang sagot. Huwag mo nang itanong kung nagdaan din siya sa pagkabata, kung noong araw ay gago rin siya, dahil ang isasagot nito’y “kaya nga ayaw kong matutuhan n’yo ang bisyo dahil pinagdaanan ko na yan.”
Sa amin sa barkada, dalawa kaming mag-gu-goodbye-my-school goodbye. Kickout ako dahil sa kagaguhan daw. Si Minyong nama’y sa kabobohan daw.
Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. MOral Character (Eraser), Mrs. Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa, Mr. Discipline at iba pa.
“Hindi naman korum, say quorum, Kuwow, quo-rum. I feel though he is brilliant, only my reservations is that….”
“Only he is stubborn. Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom, para pang nang-iinis na lalapitan ka. Ipapaamoy sa iyo ang hininga.”
“How true, how true, I swear to God that’s true.”
“Hindi lang yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo’y mahuhuli niya akong hindi prepared sa lesson ko. Tambakan ko nga ng research work, di atras siya.”
“And he is always absent. Sometimes I don’t want to give him an excuse slip anymore.”
“So what is the verdict of the group?”
“I cannot pass him.”
“Ako rin.”
“I second the motion.”
“God will punish his naughtiness.”
“I will report the matter to his parents immediately.”
Ang masama ay ang akusasyon nila kay Minyong. Nababaliw daw. Tuwang-tuwa silang pagtsismisan ito, yon ay kung hindi sila ang tinatamaan ng mga pinagsasabi ni Minyong. Pag medyo kinabubuwisitan nilang co-teacher ang tinamaan “Hi-hi-hi-hi” lang ang sagot nila. Pag-bull’s-eye si Minyong, “My God, baliw talaga, hindi alam ang sinasabi,” ang katwiran nila.
Si Minyong kasi ay “cultural minority.” Hindi naman nagprisinta sa kanila ‘yung tao na dito sa Maynila mag-aaral. Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit pinaniwalang dito nito matututunan ang paghango sa kahirapan ng kanilang tribo, saka ngayon, basta na lang sisipain. Bobo ang sabi nila. Binigyan ng isang pagkakataon. Pinagsalita, para raw mahasa nang gayo’y mawala ang inferiority complex nito. Ayon, nang matutong magsalita ang tao, na-shock silang marinig ang katotohanan.
Sabi ng pangkat ng hari.
“I find him kinda weird lately.”
“Definitely I cannot pass him.
“Oo nga naman. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mauuso ang bobo sa eskuwelahan. Remember Philippine School for Science and Techonology ito, tapos magpapasa tayo ng estudyanteng bo-bo? Hindi pwede.”
“Pero cultural minority ‘yan.”
“And so?”
“kailangan babaan natin ang standard sa kanya.”
“Excuse me, mayroon lamang isang standard ang excellence at wala nang exception pa.”
“What now?”
“Ano pa, di bagsak.”
Saka sila nagkorus ng “ibagsak.”
Kung sa bagay nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskuwelahan, humigit-kumulang ay nakapagpasiya na sila sa magiging dulo ng istorya. Ganito raw iyon.
“Have you considered his case lately?”
“Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?”
“Mabuti siguro pauwiin na natin sa kanilang tribo.”
“Dapat nga, baka manakit pa yan at maraming madamay.”
“Oh, how I abhor violence.”
“Baka ‘ka mo manunog pa ‘yan. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon.”
“E kung ipa-confine natin sa mental?”
“At sinong magsu-shoulder ng bill?”
Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon.
Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. Paminsan-minsan nama’y “humane” sila ‘ika nga. Tulad halimbawa sa kaso nina Osias at Armando, mga kaiskwela rin namin.
“Ipasa na natin si Osias.”
“Pero mababa ‘yan sa Physics.”
“Sus naman ito, e talaga namang mahirap yang klase mo.”
“Thoughtful ‘yang batang ‘yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good morning.”
“Talaga. At prisintado agad ‘yan pag nakasulubong ka na maraming dala.”
“Talaga.”
“How about Armando? Another cultural minority?”
“Excuse me. he is not a thoroughbred minority. It is only the mother. The father is an Ilocano who migrated to Mountain Province.”
“Ang sweet-sweet ng batang yan. Manang-mana sa Tatay niya.”
“Pogi talaga.”
“You bet. Doctor pala ang ama n’yan.”
“Ipapasa ko ‘yan. Kaya lang naman ‘yan mababa, kasi matagal umabsent. Nagkasakit kasi.”
“Ano, pasado na ‘tong dalawa?”
“Approve.”
Mahirap talaga sa mundo ang walang amang pogi o duktor.
“COME ON IN. Sit down, sabi ni Mrs. Moral Character matapos akong kumatok at papasukin sa kanyang cubicle. Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro.
“I called you for two reasons. Regarding our lesson and your attitude.” Heto na naman kami sa loob-loob ko. Kung bakit kasi hindi na lang ako nagkasakit. Sana’y natuloy na ang lagnat ko para pwedeng huwag magpakita sa kanya at tuloy maiwasan ang sermon na nag-aabang.
“Jojo, ang tao’y hindi-pulos tiyan tulad nang gusto mong palabasin,” sabi niya habang nakataas ang isang kilay.
Huwag kang kikibo, paalala ko sa aking sarili. Konting tiis, Mahirap makipagtalo sa teacher, ngiti ka lang basta. Titigil din ‘yan pag nagsawa. Pero tipong wala siyang balak mag-short cut ng sermon.
“Walang essence ang pinagsasabi mo kangina, iyon ay isang halimbawa ng a priori statement. Do you get me?” Tumango naman ako.
“Good. Now alam mo sigurong wala kang pinanghahawakan data, which I happen to have. Panay speculations lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world. Our lesson is more complicated than you thought. What you mean probably is the role of economic determinism in contemporary Philosophy, which is altogether wrong. Bakit hindi mo gamitin ang power o elite approach? Behaviorlism ang trend ngayon sa west. Bakit hindi ka makigaya?”
Huwag mong pansinin, ngiti lang. Paala ko ulit sa sarili ko. Hayaan mo lang siyang magsalita nang magsalita. Pasasaan ba’t, mauubusan din iyan ng sasabihin. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niya’y siya lang ang puwedeng tama.
“Do you get me?”
Tango pa rin ako. At ngayon. ang part-II ng kanyang sermon.
To be honest with you, I don’t like your attitude in class.
Smart aleck!” Yuko na lang ako. Saka ako bumulong ng “I’m soory, ma’am.”
Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong tatango-tango siya sa tuwa. Lihim na namang pumapalakpak ang kanyang tenga sa tuwa. Napaamo niya ang suwail ng eskuwelahan. Sana’y kasing ‘honest’ din niya ako, di sana’y nasabi ko ring, “The feeling is mutual. I also dont like you, ma’am.” Sa halip, ang nasabi lang ay “Can I go now, ma’am?”
“I’m not yet through.” Ibig sabihi’y may part-III pa ang usapang ito.
“They saw you in the chapel last night.”
Diyos me , pati pala personal life ko’y pinakikialam na rin nila ngayon, sa loob-loob ko. Nararamdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha.
“How young are you Jojo? Speak up.”
Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya. Hindi ako sasagot.
“Speak up, I said.”
“Seventeen.
“Seventeen and already you are… “Sa ayaw at sa gusto niya, tama na ang narinig ko. Tumayo ako para umalis. Bago ako nakahakbang, dinugtungan pa niya ang kanyang sermon.
“I’ll let your mother know about this.”
Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong isambulat sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sana’y kasing tapang ako ng gusto kong mangyari. Ano bang masama sa ginawa ko sa chapel. Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess. Masama ba yon? Siguro ang masama’y kung bakit biglang napasyal si Mrs. Glesing sa chapel ng ganoong oras ng gabi. Kawawang Tess. Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong halimbawa ni Mrs. Moral Character sa kung ano ang hindi dapat maging ang isang babaeng estudyante. Si Mrs. Glesing, tiyak na halos pumasok ang dila sa ilong sa pagmamando ng kanyang scoop.
Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang ulit sa hangin at magbulong ng balang-araw. Kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguro’y hindi nila ikatutuwa, pero natitiyak kong ipagtataka rin nila kung bakit.
Nasa lobby ang mga barkada kong alaskador.
“Jo, balita nami’y bida ka na naman.”
“Hayaan mo ang mga hayupak na ya’t magsasawa din yan,”
sagot ko naman.
“Kung magmu-motel kayo, di wala sana silang alam.”
“Tigil,” sabi ko.
“Ano ba talaga ang ginawa ninyo’t nagpuputok ang butsi ni Mrs. Glesing sa klase namin kangina?”
“Isa pa ‘to, anong magagawa ko sa chapel? Kahit ka may madyik, walang himalang mangyayari roon,” sabi ko.
“Ligawan mo kaya si Mrs. Glesing?”
Tarantado, Isa ka pa.” Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako.
“Malay mo baka may lahing Mrs. Robinson ‘yon.” Saka sila nagtawanan. Nakitawa na rin ako kahit nabuburat na ako sa buhay.
“Tara na lang sa Cubao,” yaya ko sa kanila.
‘YUNG ISANG ROUND ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit. Saka pinabuntunan ng one-for-the-road. Kung gaano kabilis ang bote ay ganoon din kabilis ang oras.
“Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?”
“Ano pa, di holding hands. Masama ba yon? Para nagsumpaan lang kami sa harap ng altar ng hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick-out kabastusan na ba yon? Bakit kasi ang dudumi ng isip nila. Akala mo’y hindi nakipag-holding hands noong mga bata.”
“Sila kaya, paano naging tao?”
“Nagtinginan lang , nabuntis na.”
Saka sila nagtawanan. Buti pa sila, kahit paano’y masaya. Ako yata, kahit sa paglilibang ay mga teachers ko pa rin ang nakikita. Sobra na ‘to. Bakit ba ayaw nilang makakita ng katotohanang iba kaysa sa kinagisnan nila. Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nilang lahat ang tao sa mundo. Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at tama, kaya wala nang natira sa amin para diskubrihin? Pero hindi ba yung tinatawag nilang expertise, yung dalawampung taon sa serbisyo, ang ibig lang sabihin, isang taon karanasang pinatagal ng dalawampung taon?
Ngayon ko lang naisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa eskuwelahan, kahit bilang estudyante o teacher ay tiyak na hindi siya tatanggapin. Philiphine School for Science and Technology ito, ang eskuwelahan ng mga magiging scientist balang araw, tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung sinong bukod sa tamad magbihis, madalang pang maligo?
Si Einstein? Henyo ‘yon, kaya lang hindi nagsusuklay. Kick-out din siya. Bawal sa school ang mahabang buhok. Tiyak na pagsasabihan siya Mr. Discipline ng “Comply with school requirements. Maximum tolerable haircut please.” Ibig sabihin noo’y ahitan ang batok. Gawing korteng kutsarita ang tuktok.
Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao ‘yan. Bawal ang lasenggo sa klase. E Si Maximum Gorky, ang greater Russian writer para kay Chekhov at Tolstoy, pwede kayang magturo ng comparative literature dito? Sa palagay ko’y hindi rin. Bukod sa wala silang unit sa English ay wala rin silang diploma sa Education.
Si Kristo kaya kung mabubuhay ulit at magpunta sa Science? Maestro daw siya kahit walang M.A. at Ph. D. Papasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede, kung makasalubong siya roon ni Mrs. Moral Character o ni Mrs. Glesing, baka ma-shock pa ang mga ito. Palagay ko, ganito ang sasabihin nila. “Imagine kay lakas ng loob ang bastos naman ng appearance. Long hair, hindi nag-aahit, tapos nakasandalyas pa. Maano kung anak siya ng Diyos, wala naman siyang sense of de-quo-rum.” Saka kung magsermon dito si Christ, baka mabuko lang siya ng “Who is your authority, where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa West, bakit hindi ka makigaya.” Siguro kaya sa sabsaban na lang ang napiling birth place niya, dahil kung sa science siya ipapanganak, mababago ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo.
Ay, sense of propriety at de-quo-rum, talagang nakatataranta. Clean cut (pagsuklayin mo si Einstein). White polo shirt at black pants (pagdisentihin mo si kristo). Naiisip ko tuloy kung propriety din ‘yung tawag sa mga teacher kung nakadamit civilian sila kapag Miyerkules. ‘Yun bang parang a-attend sila ng party. ‘Yun bang ang tipo ng tela ay mapapansin agad at mapapagsabihang “Ay, ang ganda, saan mo mabili? Siguro ang mahal ano?” Na sasagutin naman ng kausap ng “Mura ‘lang yan, siento isang yarda (walong dolyar na ang katumbas ng piso). Christian Dior, original yan, hindi gawang Rustan’s.” At para talaga mapansin, kailangan humahalimuyak din sila sa bango. ‘Yun parang painting (pa-surreal). At saka tatambakan ng brilyante ang tenga, leeg, dibdib, braso at mga daliri. Sa kanilang “ganda” at “ningning” para kang nakakita ng X’mas tree sa isang mahal na araw. ‘Yun ang proper sa kanila.
Kung sa bagay, hindi na nila maaanino ‘yon. Noong gabing nahuli kami ni Tess ni Mrs. English, noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya ipinako ng hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral Character, Mrs. English, Mr. Mathematician at Mr. Discipline at kanilang mga katribo. Kaya siguro nila tinakpan ang kahubdan ni Kristo ng pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. Si Virgin Mary ay asawa daw ng isang hamak na karpintero, pero sa bikas niya ngayon ay mistulang peacock at X’mas tree na rin siya. Pati nga ang kanyang luha ay ginawang perlas.
Ang hindi nila maging kamukha ay agad nilang pinapansin. Ang taong naniniwala sa sarili ang gusto nilang lapastanganin. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na “isang kung sino lang.” Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa Science? Scholar din kaya sila? Pero bakit naging teacher lang sila sa loob ng mahabang panahon? Iyon lang kaya ang alam nila sa buhay, ang magturo? Para silang hindi naging bata. Para bang nang ipanganak sila’y alam na nila ang lahat ng bagay. Baka akala nila’y biru-biro ang maging estudyante. ‘Yun kayang conduct nila sa klase noong araw ay panay uno? Kung talagang hindi sila nagkakamali, dapat itong ireport agad sa Santo Papa sa Roma. Nasa Pilipinas lamang pala ang mga living saints.
Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya puwedeng maging bida sa mundo? Buti pa sa referendum, kasali kami. Alin kaya ang mahalaga, ang kapalaran ng Pilipinas pwedeng isugal, pero kung sino ang mas seksi, si Alma Moreno o si Elizabeth Oropesa ay hindi namin pwedeng pagpasiyahan. “For adults” lang kasi yon.
Ops. Nakadi-jingle mag-isip. ‘Yung barkada, iba na ang usapan
“Lagyan kaya natin ng thumbtacks ‘yung upuan ni Mrs. English?”
“Di aaray ‘yun, pero pag naalala ‘yung poise n’ya, sasabihing, oh, I mean outch!”
“HI hi hi hi.”
Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis. Ako kaya, kangino puwedeng magreklamo? Sulatan ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng “Uminom ka na lang ng kape.” Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa buhay, biro mong problemahin nito pati kapalaran ng pilipinas, tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa kasaysayan balang araw, paano ako nito mapapansin? Magreport kaya ako kay Carter, issue rin ito ng human rights, ang kapalarang ng mga sinadistang estudyante, pero mahirap namang umingles. Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila.
Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya tiyak na alam na niya ang problema ko. Bakit nga pala sa sermon on the mount, wala ‘yung Blessed are the poor students for they shall inherit….”Siguro dahil wala na siyang langit o lupang pwede pang ipamana sa iba.
Ayaw kong maging Minyong. Kailangang magsalita na ako baka ako mabaliw. Ayaw kong maging robot, ayaw kong maging bato. Hindi baleng drop-out, basta tao lang ako. Maliit ang comfort room kung doon ko isusulat ang aking mga sumbong. Marami na noong nauna. “What you’re holding now is the future of the Fatherland.” “if you can reach this high, you shall be great.” Ibagsak ang pasismo.” “LABAN.” Putang ‘na n’yo.” “Alpha Phi Omega.” Wanted pen pal.”
Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at makarinig ng aking sumbong. Pero sa ngayon, idi-jingle ko na lang muna ang sama ko ng loob.

Monday, October 22, 2012

HINDI AKO ANG INAAKALA MONG AKO

Hindi ako mangmang gaya ng iniisip mo;
Marunong lang ako tumahimik kapag di tama ang nasa utak ko.
Hindi ako tanga para laitin mo;
Marunong lang ako magpakumbaba sa mga taong may sira sa ulo.
Hindi ako manhid para saktan mo;
Marunong lang akong magtimpi at magpasensya sa mga katulad mo.
Hindi ako bulag na hindi nakakakita sayo;
Ayoko lang punahin ang mga maling hindi mo mabago.
Hindi rin ako bingi gaya ng inaakala mo;
Naririndi lang ako sa mga paulit-ulit na pagdadahilan mo.
Hindi ako lalong pipi tulad ng sinasabi mo;
Wala lang akong tinig para magpaliwanag ulit sayo.
Hindi ako perpektong tao;
Nagkakamali rin ako kahit di ko gusto.
Hindi rin ako pikon kumpara sayo;
Ngunit nauubos din ang aking pisi at mahirap maamo.
Hindi ako isang inutil na walang silbi;
Marunong lang akong mamili ng mga taong dapat kong ipagbunyi.
Hindi ako karapat-dapat para iyong ipagmalaki;
Marami akong nagawang tama ngunit marami ring mali.
Hindi ako nagmamahal ng hindi bukal sa puso;
Totoo akong kausap at wala akong niloloko.
At hindi ako naghihintay ng kapalit sa mga nagawa ko;
Gusto ko lang ibigay din sakin ang nararapat para sa mga ito.

Monday, October 8, 2012

RA10175 Reaction Paper

“Cybercrime Law – No more fun in the Philippines.”
Iyan ang reaksiyon ng mga netizens dahil sa pagsasabatas ng RA. 10175 o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012. Mariing tinutulan ito ng napakaraming Pilipino na gumagamit ng Internet dahil ang nilalaman ng batas na ito ay tila pinipigilan ang mga tao na ipahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng paggamit ng Internet.
Ang probisyong ito ay nakabubuti, dahil pipigilan at parurusahan nito ang mga taong nagsasagawa ng cyber bullying, cyber sex, libel, identity theft, at malawakang panloloko sa Internet. Ngunit kung iintindihin ng mabuti ang panukalang batas na ito, masasabi kong isa itong makabagong Martial Law. Ito ding batas na ito ay isang sandata ng mga pulitiko at sikat na tao na sinisiraan sa Internet. Madali silang makakaganti sa mga ito. Sabi ko nga, behind any good intention, there is always another intention. May balak ang mga trapo kaya nila ginawa ang batas na ito. Ang HB10175 ay naglalayon din na ipatigil ang paggamit ng Social Networking Sites tulad ng Facebook at Twitter. Maging ang mga blogging sites tulad ng Tumblr at Blogger, ay pinapatigil na din. Ang mga website na nakakatulong sa tao, ay pinipilit nilang tanggalin. AY! Ibang usapan na iyan.
Tumitindi na ang sagupaan laban sa mga Pro at Anti CyberLaw. Ang mga bumabatikos dito ay mayroon ng “black DP/Profile Picture” sa kanilang mga Facebook account. Bawal na din ang Torrents, ang libreng pag-download ng mga applications at pelikula sa Internet. Lahat ng e-mails, chat messages, at mga posts ay maari nang magamit laban sa iyo. Kapag napatunayang nagkasala ka sa batas na ito, kukumpiskahin ang mga gadgets mo.
HINDI ba’t kawalang katarungan iyon at bakit kailangan nilang isama pa ang SNS? Sana ay pagtuunan na lang ng pansin ang mga problema sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon at teritoryo. Hindi yung nakatututok sila sa Computer!
Siyempre, bilang mga Netizens, na may mga Facebook at Twitter, maging responsible tayo sa bawat salitang pinagpopopost natin sa Internet. Hindi masamang magpahayag, pero kung naninirang-puri ka na, ibang usapan na iyon.

KAYA TAYO AY KUMALMA! XD

-BER months na, malandi ka pa rin?
image

ANG LANDI NI ATE.....
image

Anong gusto ko paglaki ko?
SILA:
  • Gustong maging doktor para makatulong sa kapwa.
  • Gustong maging teacher para maturuan ang kapwa.
  • Gustong maging politician para maiangat ang buhay ng kapwa.
AKO?
Ay nako! Gusto kong maging KAPWA. Para tiba-tiba! HAHAHAHA.

Ang landi mo. Salvage kita gusto mo?
image

Ang tunay na kaibigan.
Madaming kabaliwan pag nagsama:
image
Pinagtatanggol ka sa mga kaaway:
image
Pinaparamdam na importante ka:
image
Nagsheshare ng mga thoughts, nakakakilig lalo:
image
at di kaiiwan, hanggang sa dulo ng walang hanggan!
image
Yan ang kaibigan and everybody deserves one!

Today, 17 teens will take their own lives due to bullying.

NO TO RA10175

Thursday, October 4, 2012

Epic fail Story (Not a Project)

Hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Ang araw kung kailang nabago ang puti at itim kong mundo. Ang araw kung kalian unang tumibok ang puso ko. Ang araw na nakilala ko si Kenneth.
    Ako nga pala si Marie. Ikakasal ako ngayong araw na ito. Ngunit ang gusto ko ay bago ako ikasal ay masigurado ko ang aking puso na tama ang isasagot ko sa harap ng panginoon. Kung itatanong niyo kung paano humantong sa ganito, ikwekwento ko sa inyo. Nagsimula ang lahat ng ito sa isang araw na nagpabago ng buong buhay ko.
    Simple lang naman ang buhay ko. Kumain, matulog, mag-aral ng mabuti at sumunod sa lahat ng gusto ng aking mga magulang. Masasabing isa ang pamilya naming sa pinakamagagaling pagdating sa negosyo. Matatalino at mababait ang aking mga magulang. Ibinibigay nila ang lahat sa ng aking gugustuhin ngunit talagang nararamdaman ko na may kulang. Hindi ako mahilig sa mararangyang bagay. Sabi ko nga, simple lang ang gusto ko at ganun ako. Ngunit nagbago ang lahat ng ito. Nagbago ng simulang umibig ako.

 Unang araw ng pagpasok ko noon sa hayskul. Ang nasa isip ko lang noon ay kung paano mapapasaya ang aking mga magulang sa mga matataas na marka na maaari kong makuha. Simula bata naman ay mulat na ako sa moralidad ng tao dahil sa aking mga magulang. Parati nila sinasabi sa akin na kailangan gawin ko ang lahat para umunlad sa buhay.
    Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos ay kumain ako ng agahan. Sumakay ako sa aming sasakyan na naghatid sa akin sa eskwelehan. Wala kasi ang aking mga magulang sa bahay. Nagtratrabaho sila sa ibang bansa kaya ako lang ang amo sa bahay. Kung tutuusin ay pwede ako gumawa ng kalokohan ngunit dahil malaki ang respeto ko sa aking mga magulang ay hindi ko ito ginagawa.  Pagbaba ko sa sasakyan ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi na nakakagulat ang ganitong pangyayari. Sa bagay ay kilala ang aming pamilya sa buong mundo sa mga produkto nito. Kami rin ang may-ari ng paaralan na pinapasukan ko. Sinalubong ako ng principal ng paaralan.
“Marie, maging Masaya sana ang pag-aaral mo dito.” sabi niya

Ngumiti lang ako sa kanya. Nilibot niya ako sa buong eskwelahan. Umalis rin agad siya kaya naiwan ako mag-isa. Habang naglalakad ako ay may nakabunguan ako. Isang hindi ko kilalang lalake.
“Naku! Sorry po Miss….” napahinto siya sa pagsasalita.
Tumingin siya sa akin ng matagal at namula ang kanyang mga pisngi. Para bang natulala siya ng saglit. Agad niyang binaling ang tingin.
“I-i-i-ikaw ba si Marie Sophia Valencia?” ang tanong niya
“Oo ako nga.” sagot ko.
“Pasensya ka na! Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.”sabi niya
“Ayos lang iyon ngunit ano ba ang iyong pangalan?”
“Ako nga pala si Br-r-r-rian Valdez. Sige mauna na ako Ms. Valencia.”
Nang umalis na siya ay kasabay nito ang pagtunog ng bell na hudyat ng flag ceremony sa gym. Habang nagflaflag ceremony ay tila bang parang isa akong artista na marami ang humahanga. Tinawag ng principal ang presidente ng student
council. Sa di-inaasahang pagkakataon ay napalingon ako sa kanya.
“Ako nga pala si Kenneth Luis Santiago.” pagpapakilala niya.
Maamo ang mukha niya. Malambing ang boses. Matangkad at may hitsura. Sa tingin ko rin ay matalino at mabait siya. Ngunit hindi nasagot ang tanong ko. Bakit ako napatingin sa kanya? Siya kasi ang unang lalake na napatingin ako.
   Habang nagsasalita siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Nagsisimulang magkulay rosas ang aking mga pisngi. Pagkatapos niya magsalita ay kumalma na ako.
    Pagkatapos ng flag ceremony ay may lumapit sa kaing tatlong tao. Si Francis, Hannah at Joy.
“Ikaw si Marie db? Ang anak ng mayari ng paaralan na ito?” sabi ni Joy
“Oo nga. Ang dami mong litrato ditto sa loob ng paaralan. Hindi ko akalain na ang ganda ganda mo pala sa personal.” sabi ni Francis.
“Tumigil na nga kayo. Sana mag-enjoy ka dito aming munting prinsesa.” sabi ni Hannah

Natigil ako sa mga sinabi nilang tatlo.
“Anong klase nga pala ikaw nabibilang?” tanong ni Hannah
“1A ako.”
“Totoo nga ang bali-balita. Hindi ka lang maganda. Matalino pa.” sabi ni Joy
“Kami lahat ay kasama rin sa 1A. Sabay na tayo pumasok.” sabi ni Hannah
Sabay sabay kaming naglakad patungo sa aming silid-aralan. Hanggang doon ay pinagtitinginan pa rin ako.
“Alam mo sikat na sikat ka na dito.” sabi ni Francis
Napangiti lang ako sa kanya. Pumasok ang aming guro at pinagpakilala kaming lahat. Pagkatapos ay pinagsalita ang presidente naming sa harapan. Ikinagulat ko ito. Hindi ko inaasahan na siya iyon.
“Kailangan natin pumili ng class representative. Sino ang maisusuggest niyo?” sabi niya.
“Si Marie!” sabi ni Joy
“Oo nga!” sabi ng lahat.
Lumapit siya sa akin habang tumitingin sa aking mga mata.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang lumalapit siya. Para bang natutunaw ako sa hindi ko malaman na dahilan. Ang ikinagulat ko pa ay ang magsimula siyang matulala at mamula ng tumitig sa aking mga mata.
“Ms. Valencia, ayos lang ba kung ikaw ang class representative?”
“Ayos lang naman.”
Tumalikod siya at bumalik sa harapan. Pagkatapos noon ay nagsimula na ang klase. Noong recess namin ay kasama ko sila Joy. Lumapit lang sa amin si Kenneth.
“Ms. Valencia…”
“Kenneth, pwede mo ako tawaging Marie.”
“Ma-m-m-m-arie….”
Namula ako nung sinabi niya iyon. Hindi ko akalain na mahihirapan siya sa pagbigkas ng pangalan ko. Tumawa sila Francis ng malakas.
“Ahem” sabi ni Hannah ng nakangiti
Hanggang uwian ay inaasar pa rin ako nila. Hindi ko na lang pinapansin ang mga sinasabi nila ngunit nagugulumihan din
sa pagmula ng mga pisngi ni Kenneth tuwing nakikita niya ako. Paglipas ng mga buwan ay mas lalong nagiging mailap si Kenneth sa akin. Hindi niya ako matitigan ng mabuti. Hindi niya rin magawang bigkasin ang pangalan ko. Kasabay nito ang pagiging magkaibigan naming ni Brian. Si Brian ang naging best friend ko. Isang araw nga ay naguusap kami tungkol kay Kenneth.
“Baka may gusto sayo!” panunukso niya sa akin.
“Ui hindi naman siguro…”
“Asus…halatang halata naman eh.”
“Brian..”
“Ui nagseselos ako ah..”
Unting katahimikan ang biglang sumapaw sa pagbibiro niya.
“Joke! Ahaha sige na balik ka na sa klase niyo.”
       Pagbalik ko sa klase ay nakita ko si Kenneth.
“Nasaan ang iba nating mga kaklase Kenneth?”
“Nasa gym.”
“Kenneth..”
“Marie..”
Nagulat ako sa ekspresyon ng kanyang mukha. Namumula ito. Sobrang namumula. Lumapit siya sa akin. Gusto kong umalis noon. Tatakbo na sana ako nang bigla niya hawakan ang aking kamay. Niyakap niya ako patalikod.
“Marie..”
Bigla akong namula. Bumilis ang tibok ng puso ko. Natigil ako sa pag-alis.
“Marie..hindi ko na kaya pigilin to….may gusto akong aminin sayo..”
Mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga salitang binitawan niya.
“Marie..pinilit ko naman pigilin…pero wala talaga…sobrang mahal na mahal talaga kita.”
Para bang natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko aasahan na totoo, na totoo ang sinasabi ng lahat tungkol sa kanya.
“Marie…una pa lng kita Makita…minahal na kita…ngunit hindi ko alam kung bakit.”
“Kenneth…”
Nabigla siya ng nagsalita ako. Natigil siya sa pagsasalita.
Bigla kong naisip at nalaman ang aking nararamdaman.
Walang pagaalinlangan kong sinabi na:
“Kenneth..mahal na mahal rin kita…simula pa lang ng una kitang Makita sa gym. Bumibilis na ang tibok ng puso ko at sa tuwing makikita ka nagkukulay rosas ang mga pisngi ko.”
Sa mga salitang binitawan ko na iyon, mas hinagkan ako ng mahigpit at winika niya:
“Marie, maaari bang maging akin ka?”
Nagulat ako sa mga pahayag niya na iyon. Kinilabutan ako dahil siya ang unang nagtanong sa akin noon. Ngunit hindi nagtagal at sinagot ko.
“Kenneth, kung pwede ay suyuin mo muna ako.”
“Oo naman Marie. Hihintayin kita.”pangiti niyang sabi sa akin. “Maraming salamat Kenneth.”
   Sinabi ko agad ang tungkol sa amin ni Kenneth kay Brian. Para bang nabagsakan ng langit at lupa ang kanyang mukha. Para bang nalugmok sa paghihirap ang kanyang hitsura.
“Marie..bakit hindi mo ako hinintay? Mahal na mahal rin kita.”
Nagimbal ako sa sinabi ni Brian sa akin. Wala na lang akong nagawa kung hindi tumahimik lamang. Hindi ko naman inaasahan na ang aking matalik na kaibigan ay iibig sa akin.
Pareho kong pinayagan ang dalawa na manligaw sa akin kahit na malinaw na si Kenneth ang mahal ko. Siguro nga ay pinapaasa ko lang si Brian. Kaya lang ano ang magagawa ko? Naaawa ako sa kanya. Alam kong mali ngunit kaibigan ko siya.

Natapos ang unang taon naming sa hayskul na magulo ang isip ko. Pati ang mga kalumangayo ko ay hindi rin alam kung sino ang pipiliin ko.

 Sa pagdating ng bagong taon sa hayskul ay mas tumindi ang paligsahan sa pagitan nilang dalawa. Mas marami talaga ang boto kay Kenneth dahil nga mabait na matalino pa. Bagay daw talaga kami ni Kenneth. Ngunit naaawa ako kay Brian dahil best friend ko nga siya. Ngunit ano ang gagawin ko? Sino ang pipiliin ko? Ang best friend ko ba o ang totoong mahal ko? Kahit sino sa dalawa ang piliin ko ay may masasaktan. Kahit ano ang gawin ko mayroong mawawalan. Mayroong iiyak.
Mas humihirap ang desisyon habang tumatagal at lumilipas ang mga buwan.
“Marie, maiintindihan ko naman.” sabi sa akin ni Kenneth
Nagulat ako sa sinabi ni Kenneth hindi ko aakalain na manggagaling pa sa kanya ang mga salitang iyon.
        Lahat ng bagay ay magulo pa rin hanggang dumating ang Disyembre. Sa mga panahong iyon ko nalaman kung ano talaga ang kailangan ko gawin. Doon ko nalaman kung sino talaga. Hindi, simula pa lang ay alam ko na kung sino talaga. Hindi ko lang matanggap na masasaktang ang isa.
“Kenneth,..sinasagot na kita”
Nagulat si Kenneth at bigla akong yinakap. Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Para bang pinaparamdam niya sa akin na ito na ang pinakamasayang araw ng buhay niya. Disyembre 14 noon. Isang taon makalipas ang pagtatapat niya sa akin.
Kasabay ng pagiging Masaya naming ni Kenneth ay ang pagguho ng mundo ni Brian. Sinabi ko sa kanya ang tungkol
sa amin ni Kenneth. Hindi ko alam kung paano ngunit iyon lang ang tamang paraan para malaman niya ang totoo. Sinabi ko sa kanya na magkita kami sa likod ng eskwelahan. Nang magsimula kami mag-usap ay mahahalata mo sa mukha niya ang lungkot at takot.
“Brian…”
“Marie..alam ko na…kayo na ni Kenneth db?”
Nagulat ako sa sinabi niya.
“Paano mo nalaman Bry?”
“Pagmahal mo ang isang tao, aalamin mo ang lahat tungkol sa kanya Marie. Ganoon kita kamahal Marie.”
“Bry….”
“Marie hindi pa rin ako titigil sa pagmamahal sayo. Mahal talaga kita.”
Nabigla ako sa kanyang sinabi. Hindi siya natinag sa sakit na nadala ko sa kanya. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung martyr ba talaga si Brian? O talagang sobrang minahal lang talaga niya ako? Magulo pa rin talaga ang isip ko. Ngunit ang alam ko ay mahal na mahal ko si Kenneth. Kahit ano mangyari ay ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin.
Lumipas ang mga buwan ay mas lalong lumalalim ang pagmamahalan naming ni Kenneth sa isa’t isa. Ngunit kasabay nito ay ang pagiging busy niya lagi sa activities sa student council. Madalas ay hindi ko siya nakikita sa loob ng classroom. Pagnagkikita naman kami ay parati siyang humihingi ng pasensya sa akin.
“Marie, pasensya ka na. Hindi kita napapasaya. Sana Maintindihan mo na busy lang talaga ako.”
“Honey, naiintindihan ko naman. Huwag ka mag-alala nandito lang ako para sa iyo.”
Namula siya ng tinawag ko siya noon. Ngumiti siya at niyakap niya ako ng mahigpit. Sa kadahilanan nga na walang oras si Kenneth, si Brian ay madalas kong kasama. Nagkakaroon na nga ng masamang mga issue tungkol sa amin. Sa una ay hindi pa kapanipaniwala ang pinagsasabi ngunit habang tumatagal ay
Mas lalong tumitindi ang mga issue na ito. Nagusap kami ni Kenneth tungkol dito.
“Marie, hindi naman ako naniniwala sa mga pinagsasabi nila.”
“Honey, please wag kang maniniwala.” Umiiyak na ako ng mga oras na iyon. Para bang nanghina si Kenneth nung nakitaniya na umiyak ako sa harapan niya.
“Honey, gusto nila tayo sirain.”
“Baby, hindi naman nila tayo masisira.”
Pinanghawakan ko ang mga salita ni Kenneth. Ngunit habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ang mga kumakalat na balita. Ito ang naging daan para mag-away kami. Ang pinakamasakit pa dito, mga kaibigan niya ang nagkakalat ng issue na ito. Sina Ben,Louise at Joshua.
“Kenneth, niloloko ka lng ng babaeng iyan!”sabi ni Ben
“Kenneth, tignan mo kasama ni Brian!” sabi ni Louise
Ikinagulat ni Kenneth ang nakita niya. Para bang nadurog ang puso niya. Sinubukan kong magpaliwanag ngunit wala na talaga.

Makalipas ang ilang linggo ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Kenneth. Hanggang sa isang araw ay nakita niya ako sa isang sulok umiiyak. Doon siya lumapit sa kin. Nag-usap kami.
“Marie, sorry sa lahat. Hindi na ako maniniwala sa kanila.” “Kenneth, pasensya ka na rin.”
Sa kabila ng pagkakaayos naming ni Kenneth ay ayaw pa rin sa akin ng mga kaibigan niya. Patuloy na pinapakalat nito ang issue. Na may iba akong karelasyon. Dumating sa punto na
Nagalit na si Kenneth sa kanila.
“Ang sinasaktan niyo ay ang buhay ko. Tumigil na kayo!”
Pasigaw na sinabi ni Kenneth iyan sa kanila. Lahat sila ay nagulat sa sinabi niya. Simula noon ay tinigilan na nila ako. Wala na ring lumalabas na masasamang issue tungkol sa akin simula noon. Natigil na ang lahat.

Makalipas ang ilang buwan ay sinabi sa akin ni Kenneth na aalis na siya. Mag-aaral na siya sa ibang bansa. Umiyak ako ng sobra nun. Para bang nadurog ang puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun. Ayoko umalis siya. Pero wala akong magagawa. Gumawa kami ng pangako sa isa’t isa.
“Marie, pagtapos ng isang taon, babalik ako dito. Pagmahal mo pa ako, sabihin mo lang. Itutuloy natin ito.”
“Kenneth, nangangako ako, ikaw lang mamahalin ko.”
Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan niya ang aking mga labi. Sa araw ng kanyang pag-alis ay nandoon ako. Sa may tren, nagaabang.
“Marie, hinding hindi kita makakalimutan. Mamahalin pa rin kita kahit anong mangyari.”
Napaiyak ako sa mga nasabi niyang iyon. Sumakay siya sa tren. Umandar ang tren. Hinabol ko.
“Kenneth!...Kenneth!”
Sumisigaw ako habang tumatakbo hanggang hindi ko na mahabol. Napaluhod na lamang ako at umiyak.
“hihintayin kita Kenneth…Hihintayin kita mahal ko.”

Pagkalipas ng isang taon ay bumalik si Kenneth. Pinagpatuloy pa rin naming ang pagmamahalan namin. Makalipas ang ilang taon ay heto na ako ikakasal sa kanya. Ngayong Disyembre 14, kung kelan ilang taon nakaraan ay unang beses siyang nagtapat ng pagibig sa akin.

10175

Kung ipapatupad ang RA10175, dapat ay sakupin itong mga sumusunod:
1. Vanity shots. Bawal mag-upload ng 3 albums worth of photos na puro fez mo lang! Feel kitang i-report! Nag-headband lang 75 photos agad dapat..
2. After-jerjer cuddling photos. Wag mag-upload ng pics nyo ng jowa mo kung saan obvious na wala kayong saplot! Hindi handa ang sambayanan sa bedsheets niyong madumi. Sumulat kayo kay Xerex at magtanong kung

 kelan sya magkakaroon ng website.
3. Mga mahilig makipag-away in English na karumal-dumal ang grammar.. "i'm can never jealous of a slut like you..your such a trying hard!!"
4. TMI (Too Much Information) Attack - "ang lakas ng regla ko today..", "haizt maghapon akong nagtatae sakit na ng pwet ko.."
5. Emo 24/7 - "guys ang sakit may mahal na siyang iba..", "fb friends gusto ko na mamatay..", "haizz miss ko na siya pero di ko sasabihin kung sino", "guys umiiyak ako ngayon (insert photo)"
6. EoWH pFouH kUyAh uzTah pFouH jAn jEjEjE aCoh pFouh aUz aMan wAzuP pFouH NuH pFouH 3p nYoh JAn tAwA muCh jEjEjE ---> RECLUSION PERPETUA