Kahapon, Biyernes, sa aming paaralan ay kinausap ako ng aking guro, sinabi niya sa akin.."Alam mo na ba ang resulta?"..sagot ko naman ay "Yes Sir alam ko na po may ideya na po ako.". Bigla niyang tinanong, "Sige sabihin mo sa akin pang-ilan ka?". Sumenyas ako ng numerong 3 at "Hindi" ang kanyang tugon. Nagulat ako, sabi ko, "Pang-ilan po..?". Pinipilit ko nang di umiyak,ngunit habang nagsasalita siya.,nakinig akong mabuti, at nalungkot..Napagtanto ko, "Hindi na pala ako.." at sa senaryong yon ay nag-uusap ang Isipan at ang Puso ko.Sabi ng Isipan ko "Cheska, ayokong umiyak..Wag na wag kang iiyak." ngunit sabi ng Puso ko "Kailangan ko itong ilabas,ang galit,poot at sama ng loob ko,Nahihirapan na ako." at unti-unti ay lumabas ang lahat ng nararamdaman ko sa aking mata..Dahan-dahan,umiiyak.. Pinatahan ako ng aking Sir ngunit hindi ako tumigil.. Sabi ko sa sarili ko.."Kaya ko pa..Kakayanin ko...".At sa pagtatapos ng araw nalaman ko..
"Mga pagsubok lamang yan..Wag mong itigil ang laban.."
-Orient Pearl(Pagsubok)
No comments:
Post a Comment